Help Jhim Fight Stage 4 Sarcoma
Health & Medical

Help Jhim Fight Stage 4 Sarcoma

Created June 2, 2026

₱435 0% of ₱250,000
by Cristina Magana

Ako po si Tina, asawa ni Jim Boy Magana, at humihingi po ako ng tulong at panalangin para sa kanyang laban sa Stage 4 Sarcoma Cancer.

Hindi po kami nagpabaya sa kanyang kalagayan. Marami kaming pinagdaanang check-ups, tests, at procedures, ngunit naging mahirap matukoy agad ang kanyang sakit dahil madalas na normal o inconclusive ang mga resulta. Nang tuluyan itong ma-diagnose, nasa Stage 4 na po ang kanyang cancer.

Sa ngayon, naapektuhan na rin ang kanyang baga at kidneys. Siya po ay may CKD Stage 5, sumasailalim sa regular na dialysis, at nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutan.

Sa kabila ng lahat, nananatiling matatag ang kanyang pananampalataya at tiwala sa Diyos. Bilang asawa, patuloy po akong lumalaban kasama niya at umaasa sa inyong kabutihan.

Anumang tulong o panalangin ay malaking bagay po para kay Jhim at sa aming pamilya.

Maraming salamat po sa inyong suporta at mga panalangin. Nawa'y pagpalain kayo ng Diyos.