Kindly help us get back to our feet
Health & Medical

Kindly help us get back to our feet

Created July 7, 2026

₱0 0% of ₱20,000
by Klariz Rollen Santos

Hello po sa lahat, ako po si Klariz and isang single mother of two. Humihingi po ako ng tulong para makapagsimula po muli dahil simula po ng magkasakit ako at dumaan po sa matagal na gamutan at sa kasamaang palad ay nagkasakit muli habang nagtatrabaho ay hindi ko na po alam paanong pagbangon pa ang gagawin. Noong Oct 2024 ako po ay paalis sana ng bansa papuntang Japan as tomato farmer, sa kasamaang palad ako po ay nagkasakit at bumagsak sa medical pa abroad. Ako po ay umuubo ng dugo at na confine sa BMC Malolos at ayon sa medical ay may PTB ako at mayroong multiple na bukol na nakita. Nagsimula po ako ng gamutan at sinubukang makabalik sa dating trabaho ngunit hindi pinayagan ng dati kong employer kaya tinapos ko muna ang 6 months medication ng PTB bago muli nag apply. Nakapagtrabaho ako ng ilang buwan ngunit ako po ay muling nagkasakit at nagkaroon ng Resistant TB at kasalukuyang nag gagamutan. Lumalapit po ako sa inyo ngayon dahil hindi rin po ako kayang masuportahan ng akin pamilya dahil wala din pong kakayahan at mas priority po namin na mabili ang maintenance ng aming nanay. Sa kasalukuyan po ay nagtatahi ako ng mga pa order na bed sheet, pillow case at kurtina ngunit hindi po makasapat para sa mga bills dahil maliit lamang po ang kita at sa utang ko lang din po kinukuha ang mga tela na ginagamit ko. Napunta po ako sa website na ito at nagbabakasakali na mabigyan ng pamuhunan para makapagsimula muli para masuportahan ko ang pag aaral ng aking mga anak at mapagawan din ng salamin ang aking panganay dahil wala daw pong libre sa BMC ophthalmology dahil special lense ang kailangan at sa September ay muli siyang i-check up sa mata at kung ooperahan ang katarata sa kanyang mata. Nahihiya man po ako gawin itong paghingi ng tulong kaso hindi ko na kasi talaga alam kung paano pa ang gagawin para mapunan ang mga gastusin lalo na at hindi pa ako makabalik trabaho. Maraming maraming salamat po sa tutulong at pagpalain nawa po kayo ng Panginoon.