Health & Medical Created February 10, 2026

Help Nathalie Joy Castro Undergo Life-Saving Brain Surgery

Campaign Gallery

₱1,584.24
raised of ₱500,000 goal
10
donations

Kami po ay humihingi ng tulong para sa aking kapatid na si Nathalie Joy Castro, 26 taong gulang, na kasalukuyang nagtatrabaho bilang kitchen staff. Siya ay masipag, responsable, at patuloy na lumalaban para sa aming pamilya.

Sa kasalukuyan, siya ay confined sa Baguio General Hospital and Medical Center matapos siyang ma-diagnose ng doktor na may abnormal na koneksyon ng ugat sa may bandang mata at utak. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pressure na naging sanhi kung bakit lumalabas ang kanyang mata at patuloy na nanganganib ang kanyang kalusugan at paningin.

Ayon sa mga doktor, kailangan na niya ng agarang operasyon upang maisara ang abnormal na koneksyon at maiwasan ang mas malubhang komplikasyon tulad ng tuluyang pagkabulag, stroke, o pagdurugo sa utak. Ang operasyong ito ay delikado ngunit kinakailangan, at kailangang maisagawa sa lalong madaling panahon.

Sa kasamaang-palad, ang gastos sa operasyon, gamutan, at patuloy na pag-aalaga ay higit sa aming kakayahang pinansyal. Kaya kami po ay buong pagpapakumbabang lumalapit sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong.

Ang anumang halaga na inyong maibibigay ay malaking tulong upang agad naming masimulan ang operasyon at mabigyan ng pagkakataon ang aking kapatid na gumaling at makabalik sa normal na pamumuhay.

Kung hindi man po makapag-donate, ang pag-share ng kampanyang ito ay napakalaking tulong na rin po para sa amin.

Maraming maraming salamat po sa inyong oras, malasakit, at panalangin.

Nawa’y pagpalain po kayo ng Diyos.

Support this campaign

Choose an amount

Your name won't be shown publicly

All donations are final and non-refundable. Please ensure you are satisfied with the campaign details before proceeding with your donation.

Your payment is secured by Maya. No payment information is stored on our servers.

Campaign organizer

Recent donations

Anonymous

₱50

❤️

March 5, 2026

Joseph Zambale

₱55

February 17, 2026

Anonymous

₱31

Sana po Gumaling napo kau! GOD BLESS PO❤️🙏

February 17, 2026

Anonymous

₱100

February 12, 2026

Anonymous

₱1,000

God bless you and get well soon

February 11, 2026