Help Rose for her medication in Pancreatic Tumor
Magandang Araw po,
Ako po si Rosemel Nicolabo 24yrs old, at kasalukuyang lumalaban sa sakit na Pancreatic Tumor. Isa po akong college graduate sa kursong Business Administration. Isa rin po akong Breadwinner, pito po kaming magkakapatid at ako lang po ang nakatapos ng pag aaral saamin. Hiwalay po ang aking mga magulang at tanging tatay ko lang po ang kasama ko sa lahat ng check up ko at nang naadmit ako sa Hospital. January 31, 2026 nung naadmit po ako sa Tondo Medical Center. Naninilaw na po ako pero nag tatrabaho pa po ako nung mga oras na yan. Hanggang sa nag simula na po akong manghina. Fast forward po, kasalukuyan po akong na diagnosed na May Pancreatic Tumor at hindi pa po alam kung cancerous ito. From 50kgs naging 40kgs na lang po ang aking timbang at unti unti nararamdaman ko po na nanghihina na ang aking katawan.
Ako po ay taos pusong humihingi sainyo ng tulong, wala po akong alam na malalapitan. Ang tatay ko po ay isa lamang taga bantay sa basketball court at ang mga kapatid ko po ay bata pa at ang isa ay may pamilya na. Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko, at ayoko pa pong mawala sa mundo. Gusto ko pa po silang mabigyan ng maganda buhay. Kahit anong halaga po ay lubos ko pong tatanggapin at pasasalamatan. Nag mamakaawa po ako sainyo, sana po ay matulungan nyo ako.
Pwede nyo po akong idirect message sa aking whatsapp number, sa iba pa pong dokumento na kailangan nyo para sa katunayan na ako ay nakikipag laban sa sakit na pancreatic tumor.
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
