🥺 Sakit ng Ngipin, Sakit sa Bulsa: Student Dental Appeal
Health & Medical

🥺 Sakit ng Ngipin, Sakit sa Bulsa: Student Dental Appeal

Created June 28, 2026

₱0 0% of ₱13,300
by Ailen Ray Fuentes

Hi everyone! I am a college student knocking on your kind hearts para sa aking urgent dental treatments. Nilunsad ko po ang fundraiser na ito upang hindi na maging mabigat na pasanin ang gastusin sa aking mga magulang na nagpapakapagod na para sa aking pag-aaral.

Seryoso po ang naging babala ng aking dentista dahil sa mga sumusunod:

* Impacted Wisdom Tooth: Kailangan po itong operahan at tanggalin agad (surgical extraction) upang maiwasan ang malalang impeksyon.

* 8 Dental Fillings (Pasta): May 8 cavities po na kailangang pastahan agad para hindi lumala at hindi humantong sa maagang pagpupustiso ngayong early 20s ko.

Saan mapupunta ang inyong tulong?

* Operasyon sa impacted wisdom tooth

* Pasta para sa 8 affected teeth

* Mga gamot at antibiotics pagkatapos ng surgery

I am fully committed to transparency. Magpo-post po ako ng updates at kopya ng official receipts habang ginagawa ang aking mga treatment. Anumang halaga po ay napakalaking tulong para sa aking kalusugan. Maraming salamat po sa inyong kabutihan at generosidad!