Please help po. Hospital at Pampagamot para kay Angkel Ronnie
Health & Medical

Please help po. Hospital at Pampagamot para kay Angkel Ronnie

Created July 9, 2026

₱0 0% of ₱50,000
by Roberto Rielo

Hello po at Magandang araw sa inyo, kumakatok po ako sa inyong mga puso para humingi ng konting tulong para kay Tito Ronnie (yung nasa main screen), bunsong kapatid ng Tatay ko (yung nasa top right screen). Magkavideo call po sila jan dahil nalaman lang ng tatay ko kahapon(July 08, 2026) na may malubha na palang sakit ang kapatid niya at hindi naman siya maipagamot dahil na rin sa financial problem ng kanyang pamilya.

Sa tagal din kasi ng panahon ay medyo may hindi sila pagkakaintindihan ng tatay ko dahil na rin sa mga away-kapatid. Pero umiyak nalang yung tatay ko habang naguusap sila jan sa video call kasi nabigla siya sa sitwasyon ni Tito Ronnie at dahil na rin sa nahihirapan din kami magbigay ng tulong.

Ngayon po ay nanghihina na daw siya (hindi malinaw yung naging usapan nila ng tatay ko tungkol sa sakit niya ngayon dahil nahihirapan yung tito ko na magsalita) pero umaasa pa rin kaming gagaling siya kung sakaling siya ay madala sa Hospital at maari siguro siyang maoperahan pa.

Thank you po in advance sa lahat ng mga tutulong at sa platform na ito.

Maraming maraming salamat po.