Suportahan ang Strikers of Edz: Kaagapay ng mga Pamilyang Pilipino
Nonprofits & Charities

Suportahan ang Strikers of Edz: Kaagapay ng mga Pamilyang Pilipino

Created June 29, 2026

₱870 0% of ₱500,000
by DJ Strikers

Ang Strikers of Edz (SEC Registration No. 2024050148922-07) ay isang Non-Government Organization (NGO) na may tapat na layuning mag-abot ng direktang tulong sa mga pamilya at indibidwal na nasa laylayan ng lipunan. Nauunawaan namin ang bigat ng pang-araw-araw na pamumuhay, kaya binuo namin ang organisasyong ito upang maging kaagapay ng mga nangangailangan.

Nais naming maging 100% tapat sa inyo: Sa kasalukuyan, hindi pa po kami nagsisimulang mamahagi ng ayuda dahil hindi pa ganap na kumikilos (not yet in full move) ang aming organisasyon. Kasalukuyan pa po kaming nasa proseso ng pag-aayos at paghihintay ng aming mga opisyal at legal na dokumento. Nais naming tiyakin na legal, maayos, at sumusunod kami sa tamang proseso ng batas bago kami tuluyang mag-operate.

Bakit Kami Nangangalap ng Pondo Ngayon? Kahit hindi pa kami pormal na nag-uumpisa, ayaw naming mag-aksaya ng panahon. Habang hinihintay ang pagka-apruba ng aming mga papeles, sinisimulan na namin ang pagkalap ng aming panimulang pondo.

Ang layunin namin ay maging handa. Sa mismong araw na pormal na kaming payagang mag-operate, hindi na namin kailangang maghintay pa o maghanap pa ng badyet: mayroon na kaming nakahandang pondo upang agad na makababa sa mga komunidad at makapag-abot ng tulong nang walang pagkaantala.

Saan Mapupunta ang Inyong Donasyon sa Hinaharap? (Ang Aming mga Nakaplanong Programa) Ang bawat pisong inyong ipagkakatiwala ay mahigpit naming itatabi bilang pondo para sa aming official launch. Kapag kami ay fully operational na, gagamitin ito para sa aming tatlong pangunahing programa:

Ayudang Pang-Edukasyon: Tulong na mga gamit pang-eskwela, uniporme, at reading materials para sa mga kabataang mula sa mga pamilyang kapos upang tuloy-tuloy ang pag-aaral.

Pambahay at Kabuhayan: Pinagsamang pamamahagi ng mga materyales para sa pagpapatibay ng tahanan at in-kind starter kits upang sabay na masolusyunan ang pangangailangan sa ligtas na tirahan at pangmatagalang hanapbuhay.

Ayudang Medikal: Direktang pamamahagi ng mga maintenance na gamot, bitamina, assistive devices (gaya ng wheelchair), at access sa mga libreng check-up upang maiwasan ang out-of-pocket na gastusin sa kalusugan.

Maging Bahagi ng Aming Pundasyon Ang pagtatayo ng isang NGO ay hindi madali. Kailangan namin ng mga taong maniniwala at susuporta sa aming misyon bago pa man kami pormal na pumalaot.

Gagamitin namin ang aming page upang i-update kayo nang regular sa lagay ng aming mga dokumento, at higit sa lahat, ipapaalam namin sa inyo ang mismong araw na magsisimula ang aming pamamahagi ng ayuda gamit ang inyong mga donasyon. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at sa inyong tiwala!