Help our Jeepney Drivers: The Backbones of our Society
Vision
Isang lipunan kung saan ang mga jeepney driver ay may sapat na pagkain at suporta upang makapamuhay nang may dignidad sa kabila ng krisis sa ekonomiya.
Mission
Maghatid ng libreng masustansyang tanghalian at malinis na inuming tubig habang pinapalawak ang kamalayan at pagkilos ng komunidad para suportahan ang kabuhayan ng mga jeepney driver.
“Sa gitna ng krisis sa ekonomiya, tayo-tayo rin ang magtutulungan.”
Sa mga nakaraang linggo, patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas, na lubhang nakaaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino. Ang presyo ng diesel ay umaabot na sa higit isang daang piso kada litro at patuloy pang tumataas linggo-linggo. Dahil dito, marami ang nagpapahayag ng kanilang hinaing sa pamamagitan ng social media at mga kilos-protesta, ngunit nananatiling limitado ang agarang tugon ng pamahalaan sa suliraning ito.
Isa sa pinakaapektadong sektor ay ang mga jeepney driver. Dahil sa mataas na presyo ng diesel, malaki ang nababawas sa kanilang kita. Ayon sa ulat ng Bulatlat, si Mang Tony, isang jeepney driver, ay nagsabing bumaba ang kanyang kinikita sa halos 200–300 piso na lamang bawat araw. Bilang isang single parent, nahihirapan siyang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, kabilang ang pag-aaral ng kanyang anak.
“Single parent po ako, may isa pa akong anak na pinapaaral. Ngayon nag-usap kami: Anak siguro di muna kita mapapaaral ngayon kasi sa krisis na nagaganap ngayon, magkano lang ang nauuwi ko.”
Dahil sa sitwasyong ito, may ilang jeepney driver ang napipilitang magbawas ng kanilang sariling pagkain upang masigurong may maiuuwi sila sa kanilang pamilya. Ito ay malinaw na nagpapakita ng lalim ng epekto ng krisis sa kanilang kabuhayan at kalusugan.
Layunin ng kampanyang ito na makapagbigay ng konkretong tulong at suporta sa mga jeepney driver sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Makapagbigay ng libreng masustansyang lunch meals
- Makapagbigay ng malinis na inuming tubig sa mga piling jeepney terminals
- Makalikom ng donasyon mula sa komunidad, paaralan, at online platforms upang masuportahan ang kampanya
- Mapalawak ang kamalayan ng publiko tungkol sa kalagayan ng jeepney drivers sa gitna ng krisis sa ekonomiya
- Mahikayat ang mas maraming indibidwal at organisasyon na makiisa at tumulong
Sa panahon ng krisis, mahalaga ang pagkakaisa at malasakit sa kapwa. Sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay ng pagkain at tubig, makatutulong tayo sa pagpapagaan ng araw-araw na pasanin ng mga jeepney driver. Ang kampanyang ito ay hindi lamang tungkol sa pagtulong, kundi pati na rin sa pagpapakita na ang bawat Pilipino ay may kakayahang makibahagi sa pagresolba ng mga suliraning panlipunan.
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
