Help my sister Maribel to recover after undergo Embolism Brain surgery
Created August 30, 2026
Help my sister Maribel to recover after undergo Embolism Brain surgery
Campaign Gallery
Isa pong OFW bilang domestic helper sa Hongkong ang aking kapatid na si maribel mabait,masipag matiisin, tahimik at nag susumikap para sa kanyang anak .Ngunit nitong nakaraang August 26 2026 nang umaga ay nagulat kami sa balita galing sa kanyang amo na sa Emergency ang aming kapatid at kailangan agad na maoperahan sa utak dahil sa Aneurism, hindi kami agad nakapag disisyon dahil panganib nito, ngunit kina usap kami ng doctor sa pamamagitan ng WhatsApp video call at ipinaliwanag sa ami kung bakit ito kailangan gawin dahil mas mapanganib umanu pag hindi naisagawa agad ang Embolism brain surgery, kaya sa pamamagitan ng video na un ay napapayag ako at iba ko pang kapatid dahil ang iba ay hindi naka join, Lubos po ang aming pag aalala sa kalagayan ng aming kapatid na si Maribel dahil malayo po ang Hong-Kong at wala kaming mga kamag anak doon na maaaring mag bantay sakanya,. Makalipas ang ilang oras ay nag send ng messages ang kanyang amo na si Sir Kenny at ipinaabot ang balita na natapos na ang operation at natutulog ang aming kapatid habang nasa Intensive Care unit,.
Sa kasalukuyan po ay patuloy syang nasa icu hanggang sa loob ng 14 days at patuloy na inoobserbahan ng mga doctor, habang wala pa pong kahit isang kamag anak man lang ang makapunta para sana sya ay personal na maalagaan sa kanyang napakahirap na sitwasyon ngayon. Kaya ako ay nag desisyon na pansamantala munang titimigil sa aking trabaho para lamang maalagaan ang aking kapatid.
Ako po ay isang security guard nabibilang sa mga mahihirap na pilipino may minimum na sweldo ngunit hindi sapat para sa aking pamilya.
Kaya ako po ay kumakatok sa inyong may mga mabubuting puso na sana ay matulungan ako na mapuntahan ang aking kapatid na kasalukuyan ay nasa Prince of Wales Hospital sa Hongkong at nasa maselan pang kalagayan.
Mga pag gagamitan po kung sakaling makalikom ng halaga
*pag proseso ng mga documents na kaka ilanganin ko papuntang hongkong
*accommodation habang hindi pa na didischarge sa hospital ang kapatid ko
*expenses na kailangan ng aking kapatid ,gamot ,diaper at iba pa,
Maraming maraming Salamat po sa lahat
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
