Asking for financial help for my mother who is battling stage 4 Breast Cancer
Created June 6, 2026
Asking for financial help for my mother who is battling stage 4 Breast Cancer
Magandang araw po.
Ako po si Leo Jade Letrodo, at ako po ay humihingi ng tulong para sa aking mama na si Nida Cando, na kasalukuyang lumalaban sa Stage 4 Breast Cancer at ngayon po ay naka confine sa ICU ng Jose Reyes Memorial Medical Center.
Sa mga nakaraang taon, dumaan po kami sa maraming pagsusuri, gamutan, at konsultasyon sa mga doktor upang mabigyan siya ng pinakamainam na pagkakataong labanan ang kanyang sakit. Matapos ang masusing pagsusuri, inirekomenda ng kanyang mga doktor ang immunotherapy gamit ang Pembrolizumab, isang makabagong paggamot na makatutulong sa kanyang katawan na labanan ang cancer.
Bagama't nagbibigay ito ng pag-asa para sa kanyang kondisyon, napakalaki po ng halaga ng paggamot. Bukod sa gastos sa gamot na Pembrolizumab, kailangan din naming tustusan ang mga laboratory tests, imaging procedures, doctor's fees.
Bilang pamilya, ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya upang masuportahan ang kanyang gamutan. Gayunpaman, ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin ay lumalagpas na sa aming kakayahang pinansyal.
Dahil dito, kami po ay mapagpakumbabang lumalapit sa inyong mabubuting puso upang humingi ng tulong. Anumang halaga na inyong maibibigay ay malaking tulong upang masimulan ng aking mama ang kanyang immunotherapy at iba pang kinakailangang paggamot.
Ang inyong donasyon ay gagamitin para sa Pembrolizumab immunotherapy treatment at ibang gastusin sa hospital.
Kung hindi man po kayo makapagbigay ng pinansyal na tulong, hinihiling din po namin ang inyong mga panalangin at ang pagbabahagi ng aming fundraising campaign upang mas marami pang tao ang maabot nito.
Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay nagbibigay sa amin ng pag-asa at lakas upang ipagpatuloy ang laban ng aking mama.
Mula po sa aming buong pamilya, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan, suporta, at mga panalangin.
Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Diyos.
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
