Tulong po para sa Pagpapalibing ng Isang Maaasahang Ama at Para sa 3 Niya Pang Anak
Created November 26, 2026
Can't donate? You can still help.
Getting the word out reaches the people who can. Share this campaign with your friends and family.
Your Story:
Si Anthony Bong Yumul
ay isang masipag at mapagmahal na ama sa kanyang tatlong anak (7, 8, at 15 years old). Bilang nag-iisang magulang, ginawa niya ang lahat para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Ayaw niyang umuwi ng Capas nang walang dalang kita, kaya't patuloy siyang nagtrabaho bilang lead consultant para sa isang Medical Mission sa Nueva Vizcaya.
Noong madaling araw ng November 24, 2026, biglang sumama ang kanyang pakiramdam. Bandang 1:03 AM, hinapo siya dahil sa kombinasyon ng pneumonia, mataas na blood sugar, tuberculosis, at impeksyon sa dugo. Isinugod siya sa ospital sa Nueva Vizcaya, ngunit determinado siyang umuwi sa Capas. Ngunit sa kasamaang-palad, bandang 4:03 AM, hindi na niya nakayanan at pumanaw siya habang nasa biyahe. Hindi na siya nakauwi at hindi na siya nakita pang buhay ng kanyang mga anak.
Dahil wala na silang mga magulang, kami na ang mga kamag-anak ang nag-aasikaso ngayon, ngunit hindi po namin kayang tustusan ang mga gastusin. Kami po ay lumuluhog sa inyong kabaitan para makatulong sa:
· Bayarin sa Ospital: ₱35,000
· Serbisyo sa Libing (Funeral): ₱35,000
· Pagkain at supplies sa burol: ₱5,000
· Interment/Libing: ₱50,000
· Pang-araw-araw na gastos ng mga bata sa loob ng isang linggo: ₱500 - ₱1,000
Target po naming makalikom ng ₱150,000. Ang bawat sentimo po ay mapupunta sa maayos na pagpapalibing sa kanilang ama at sa pang-araw-araw na pangangailangan ng tatlong batang naulila.
Kung hindi man po kaya ng bulsa, nakikiusap po kami sa inyong panalangin at pag-share ng campaign na ito. Malaking tulong na po ito para sa mga bata. Maraming salamat po
No updates yet
The campaign creator hasn't posted any updates.
Comments (0)
Sign in to post comments and show your support.
No comments yet. Be the first to share your thoughts!
No donations yet
Be the first to support this campaign!
Sign in to donate
Please sign in to donate.
Every donation on BayanihanPH is made from an account. It keeps giving traceable and protects campaigns from misuse.
New here? Create an account