Help Hepi towards her education
Magandang araw po sa inyo,
Hindi ko po ito inaasahan na aabot ako sa puntong manghihingi ng tulong. Matagal ko po itong iniiwasan at tinitiis kasi ayokong makarating dito. Alam ko rin po na hindi ako nag-iisa sa hirap at marami pang mas nangangailangan. Pero sa ngayon, nahihirapan na po talaga akong ituloy ang dapat sana ay simula ng aking internship.
Dapat po ay nagsisimula na ako, pero hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapag start dahil sa kakulangan sa pera. Isang linggo na po akong late sa target na simula, at habang tumatagal, mas lumalaki po yung kaba at pressure na baka hindi ko na mahabol.
Hindi po ako tamad o pabaya. Masipag po akong estudyante at pinilit kong hindi bumagsak sa kahit anong subject. Pero dumating po talaga sa point na kahit gaano ka kasipag, kapag wala kang pera para sa pamasahe at mga kailangan sa internship, napipilitan kang huminto.
Minsan po nakakapagod na rin, kasi kahit anong sipag mo, may mga bagay talaga na hindi mo makontrol. Yung simpleng pamasahe, requirements, at araw araw na gastusin doon po ako nahihirapan.
Lalo na po para sa lola ko. Siya po yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Alam ko po lahat ng sakripisyo niya yung pagod, hirap, at lahat ng pinagsikapan niya para lang maitaguyod ako sa pag aaral. Kaya gusto ko rin po sana siyang maipagmalaki balang araw.
Hindi po ito para sa luho o kaginhawaan. Kailangan ko lang po talaga makapagsimula ng internship para hindi masayang ang pinaghirapan ko at ng pamilya ko.
Kung sakali po na may maibibigay kayo kahit maliit, sobrang laking tulong na po iyon sa akin. At kung hindi man po, malaking tulong na rin po ang pag share ng post na ito.
Maraming salamat po sa oras, sa pag unawa, at sa kahit anong tulong na maibibigay ninyo.
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
