Help 74-Year-Old Man Hit by a Motorcycle While Crossing the Street
Emergency & Crisis

Help 74-Year-Old Man Hit by a Motorcycle While Crossing the Street

Created September 28, 2026

โ‚ฑ435 2% of โ‚ฑ20,000

Can't donate? You can still help.

Getting the word out reaches the people who can. Share this campaign with your friends and family.

Humihingi po kami ng tulong para kay tatay Romeo Marcos, 74 taong gulang, na malubhang nasaktan matapos mabundol ng isang humaharurot na motorsiklo habang tumatawid ng kalsada sa Tayuman, Manila.

Tumawid lamang po si tatay omeo nang bigla siyang mabundol ng motorsiklo. Napakasama ng kanyang pagkakabagsak sa kalsada at napuruhan ang kanyang ulo at mukha.

Ayon sa kanyang mga doktor, siya ay may multiple injuries secondary to road crash incident, kabilang ang:

- Soft tissue contusion sa kaliwang bahagi ng mukha, kabilang ang zygomatic/cheekbone, paligid ng kaliwang mata, at noo

- Laceration o malalim na sugat sa kanang bahagi ng noo

Sa kanyang edad na 74, kinakailangan niya ngayon ng patuloy na medical treatment, mga pagsusuri, gamot, hospitalization, at mga kinakailangang operasyon o procedure upang matugunan ang kanyang mga pinsala.

Malaking gastusin po ang kinakaharap ng pamilya para sa kanyang pagpapagamot. Ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya, ngunit habang nagpapatuloy ang kanyang gamutan, patuloy din ang pagtaas ng mga gastusin.

Ang nakabangga kay tatay Romeo ay nakulong na, at ang kaso ay nasa Manila City Prosecutor na. Ngunit habang nagpapatuloy ang proseso ng batas, kailangan pa rin po ni tatay Romeo ng agarang pangangalagang medikal.

Kaya po kami ay buong pagpapakumbabang lumalapit sa inyong mga puso upang humingi ng tulong.

Anumang halaga po, gaano man kaliit, ay malaking tulong para kay Romeo. Ang inyong mga donasyon ay gagamitin para sa kanyang hospitalization, gamot, laboratory at diagnostic tests, mga procedure, operasyon kung kinakailangan, at iba pang gastusing may kaugnayan sa kanyang pagpapagamot.

Kung hindi man po kayo makapag-donate, malaking tulong na rin po ang pag-share ng campaign na ito upang makarating ito sa mas maraming taong maaaring makatulong.

Sa lahat po ng makakapag-abot ng tulong, makakapag-share, at makakapagdasal para sa kanyang paggaling, maraming-maraming salamat po.

Sama-sama po nating tulungan si Romeo na malampasan ang pagsubok na ito. ๐Ÿ™

โ‚ฑ435 of โ‚ฑ20,000