Bayanihan for Flood-Affected Families in Occidental Mindoro
Emergency & Crisis

Bayanihan for Flood-Affected Families in Occidental Mindoro

Created August 18, 2026

₱108.75 0% of ₱50,000

Can't donate? You can still help.

Getting the word out reaches the people who can. Share this campaign with your friends and family.

Tulungan Natin ang mga Pamilyang Naapektuhan ng Baha sa Occidental Mindoro ❤️🇵🇭

Tapos na po ang matinding pag-ulan at bumaba na ang baha, pero para sa mga pamilyang naapektuhan, hindi pa tapos ang laban.

Marami po sa aming mga pamilya ang nawalan ng halos lahat—mga gamit sa bahay, kagamitan, at maging ang kanilang mga tahanan ay na-wash out dahil sa matinding baha. Ngayon, wala na po talaga kaming sapat na kakayahan para magsimulang muli at makabangon nang mag-isa.

May mga tulong at rasyon naman pong ibinibigay ang Barangay, at lubos po namin itong ipinagpapasalamat. Ngunit hanggang pagkain at ilang pangunahing pangangailangan lamang po ang kayang maibigay, at hindi ito sapat para maibalik ang mga bagay na nawala sa amin.

Kaya po kami muling kumakatok sa inyong mabubuting puso. 🙏

Umaasa po kami na matulungan ninyo kaming unti-unting makabangon at makapagsimula muli. Kahit maliit na halaga po ay malaking tulong na para sa isang pamilyang halos wala nang natira.

Kung hindi po kayo makakapag-donate, malaking tulong na rin po ang pag-share ng aming fundraising campaign upang mas marami ang makaalam at maaaring makatulong.

Wala na po talaga kaming ibang malapitan. Sana po ay maging bahagi kayo ng aming pagbangon.

Maraming salamat po sa bawat tulong, dasal, malasakit, at kabutihang ipinaabot ninyo sa aming mga pamilya. ❤️🙏

Ang funds po ay mapupunta sa mga pamilyang mas naapektuhan at mas nangangailangan ng tulong, especially sa may mga babies po.

Sama-sama po tayong bumangon. 🇵🇭

₱108.75 of ₱50,000