Ako po si Cindy M. Entira 18 years old, taga Sitio Bunga, Brgy. Palid 1, Leyte, Leyte. Ako po mismo ang pasyente na sumulat.
Noong 14 years old po ako, doon ko po napansin na nag-iiba na po ang hugis ng katawan ko. Lagi na po akong nagkakasakit. Gagaling tapos babalik-balik pa rin po ang sakit hanggang sa patagal ng patagal ay palala na po ng palala ang nararamdaman ko. Doon na rin po nagsimula ang araw-araw na pananakit ng likod ko at hirap sa paghinga at pagtulog.
Noong Grade 7 po ako, pandemic po noon kaya modular po ang klase namin. Kahit modular lang po ay nahihirapan na po akong umupo at magsulat nang matagal dahil sa sakit, pero pinilit ko pa rin po.
Pagdating po ng Grade 8, Grade 9 hanggang Grade 10, bumalik na po ang face to face na klase, pero ako po ay pinagbigyan ng mga guro ko na mag-modular pa rin dahil sa kalagayan ko. Hindi na po kasi ako makapasok nang maayos at hindi ko na po kaya ang sakit araw-araw. Kaya Grade 10 lang po ang natapos ko. Pero hanggang ngayon po ay pangarap ko pa rin na makapag-aral ulit kung gagaling po ako. Noong May 11, 2026 po ay bigla po akong hindi makahinga at naisugod po ako sa ospital. 16 days po akong na-confine sa ODH ng Ormoc Hospital. Ika-dalawang beses ko na po iyon na na-confine doon.
Pagkatapos po noon ay ni-refer po ako sa EVMC Hospital ng Tacloban at doon po tinapos ang gamutan ko. Umabot po ako doon ng 19 days na naka-confine kasama ang mama at tita ko na nagbabantay sa akin.
Pero dahil sa kondisyon ko na may Marfan Syndrome at severe scoliosis ay hindi po nila kaya ang kaso ko dahil napaka-komplikado. Ako po ay merong Marfan Syndrome kaya mas naging komplikado ang scoliosis ko. Kaya ni-refer na po ako sa Philippine Orthopedic Center sa Manila.
Leyte to Manila bumyahe po kami kahit wala po kaming sapat na pera. Kasama ko po ang mama at tita ko. Lakas loob lang po ang baon namin at pag-asang may tutulong sa amin sa Maynila. Pumunta po kami sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City. Doon po sinabi ng doktor na more than 90 degrees na po ang baluktot ng likod ko at kailangan ko na po talagang operahan. Kailangan ko daw po muna ng MRI at CT Scan bago ang operasyon.
Ngayon po ay nandito pa rin kami sa Quezon City. Ako po mismo ang pasyente pero ang tita ko po ang gumagawa ng mga kinakailangan ko gaya sa mga proseso sa mga laboratory at iba pa.
Nahihirapan na po kami kung saan pa makahanap ng tulong para sa MRI, CT Scan at operasyon ko. Kaya po gumawa po ako ng fundraiser sa bayanihanph.org para po sa aking gamutan.
Ako po, 18 years old pa lang, ay buong kababaang loob na kumakatok sa inyong puso. Gusto ko pa pong lumaban, gusto ko pa pong gumaling at makatayo nang tuwid. Anumang tulong po sa aking fundraiser ay malaking pag-asa na po para sa akin, kahit pag-share lang po.
Maraming maraming salamat po.
No updates yet
The campaign creator hasn't posted any updates.
Comments (0)
Sign in to post comments and show your support.
No comments yet. Be the first to share your thoughts!
No donations yet
Be the first to support this campaign!
Sign in to donate
Please sign in to donate.
Every donation on BayanihanPH is made from an account. It keeps giving traceable and protects campaigns from misuse.
New here? Create an account