Help Me Get Through This Month and Continue My Heart Medication ❤️
Health & Medical

Help Me Get Through This Month and Continue My Heart Medication ❤️

Created October 3, 2026

₱0 0% of ₱5,000

Can't donate? You can still help.

Getting the word out reaches the people who can. Share this campaign with your friends and family.

Simula 2020, sunod-sunod na ang pagsubok na pinagdaanan ng pamilya namin. Ako ang panganay sa apat na magkakapatid at ako rin ang naging breadwinner namin.

Noong pandemic, parehong nagkasakit ang mga magulang ko. May heart problem ang papa ko habang ang mama ko naman ay nagkaroon ng complications dahil sa diabetes. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapagamot sila.

Naunang pumanaw ang papa ko noong April 2024 dahil sa multiple organ failure. Sumunod naman ang mama ko noong August 2024, ilang araw lamang matapos siyang ma-amputate ang daliri sa paa dahil sa complications ng diabetes.

Simula noon, ako na ang naiwan na sumasalo sa mga responsibilidad ng pamilya. Noong December 2025, na-diagnose naman ang bunso naming kapatid ng nervous breakdown at AIDS. Libre ang gamutan niya, pero dahil mababa ang kanyang CD4 count, may mga gamot pa rin na kailangan naming bilhin sa labas.

Habang inaasikaso ko ang lahat, hindi ko rin napansin na nagkaroon na rin ako ng sariling karamdaman. Na-diagnose ako ng cardiomegaly at ilang beses akong naospital noong 2025 hanggang sa makalabas ako noong October.

Malaking pasasalamat ko rin sa dati kong kumpanya dahil hindi nila ako iniwan noong panahon na iyon. Pero dumating din ang pagkakataong na-lay off ako dahil sa restructuring ng kumpanya. May separation pay naman akong natanggap, pero sapat lang ito para mabayaran ang mga naging obligasyon at loans ko sa SSS, Pag-IBIG, at kumpanya.

Simula noon, patuloy akong naghahanap ng trabaho. May mga application akong pinapasukan at may isang naghihintay na lang ng client decision. Ngayong Monday, mayroon din akong final interviews sa Superpowers at Travel and Leisure Corp.

Ang problema ko lang ngayon ay ang maintenance medication ko para sa puso ngayong buwan. May pamasahe pa naman ako para sa mga interview, pero wala na talaga akong ibang malapitan para sa gamot.

Kung may mabubuting loob na gustong tumulong, kahit maliit na halaga lang, malaking bagay na iyon para sa akin. Kahit ngayong buwan lang sana, habang ginagawa ko ang lahat para makahanap muli ng trabaho at makabangon.

Maraming salamat sa anumang tulong, dasal, at suporta. Hindi ko ito makakalimutan. 🙏❤️

₱0 of ₱5,000