Major depressive disorder caused by bullying
Created October 17, 2026
Can't donate? You can still help.
Getting the word out reaches the people who can. Share this campaign with your friends and family.
Major depressive disorder po ang naging huling diagnose sa anak kong babae na 15 years old. Nag simula po ito nuong huling linggo ng September 2026. Di namin agad napansin hanggang sa nag iba nalang the way siya makipag usap sa amin. Biglang parang di niya na kami kilala at pilit niyang gustong lumabas ng bahay. Friday, September 25, 2026 ng gabi wala ako sa bahay dahil nasa trabaho ako, nag tangka siyang pumunta sa rooftop ng inuupahan namin para mag attempt ng suicide, mabuti at napigilan ng misis ko at naisarado ang pinto, nagkapiglasan sila at nagkasugat sugat habang sinasabi na "ok na ako, hayaan niyo na ako mamatay". Mabuti at kinalaunan ay huminahon na siya at binantayan ni misis hanggang makatulog. Naka uwi ako sabado ng gabi at sinubukan siyang kausapin ngunit iba na at tamang hinala na siya sa amin. Kapag may tinanong ka sa kanya ay tatanong ka rin niya kung mapag kakatiwalaan ka ba o "bakit naman kita pagkakatiwalaan?". Tinanong ko rin siya kung may problema ba siya sa school, ang sabi nabubully daw siya at nag kwento ng kaunti pero di halos sumasagot. Hindi kami nakatulog ng maayos hanggang mag linggo ng umaga. Niyaya ko siya kumain sa labas, nag simula nanaman siya mag hinala pilit at nanaman siyang tatakbo papunta sa rooftop ng inuupahan namin ngunit pinigilan ko siya. Nagkapiglasan kami, pinag sisipa kaming mag asawa pero hindi ko siya binitawan hanggang madala ko siya sa baba at duon ko siya binitawan. Lumabas siya ng gate kaya tumawag na ako ng baranggay. Hindi namin siya mapasakay ng sasakyan ng baranggay at nag lakad lang siya ng nag lakad ng halos isang kilometro. Sinundan siya ng baranggay habang kinakausap. Kami naman ay sumusunod din sa kanya sa malayo. Kung sino sino nang kamag anak namin ang pumunta para makausap siya at sumakay sa sasakyan ng baranggay pero parang hindi sila kilala. Buti dumating yung pinsan niyang babae na matanda lang sa kanya ng dalawang taon. Kinausap siya at duon lang siya kumalma at sumakay sa sasakyan ng baranggay. Nakarating na kami sa baranggay hall at pianahanap kami ng Psychiatrist ngunit linggo wala kaming makita. Dinala muna namin siya sa Psychologist na kakilala ng kapatid ko para kausapin siya. At nung kinagabihan ay nag papunta rin ng Psychiatrist yung isang kaibigan ko na kakilala ng pamangkin niya. Nakausap siya at nag counselling. Ang sabi sa amin ng Psychiatrist ay kailngan daw namin makausap ang Adviser sa school dahil yun daw ang nagpa trigger sa kanya. Naikwento daw ng anak ko sa Psychiatrist na nag 1 on 1 daw sila nung adviser niya nung Wednesday, September 23, 2026 . Kinamusta siya at tinanong siya ng kung ano ano ng adviser hanggang sa huli ay tinanong kung nag lalaro ba siya ng Roblox, ang sagot niya ay "Umamin po ako kay teacher sabi ko OPO dati". Kinabukasan ay inaasar na siya ng mga classmate niya na "kaya pala wierdo yan kasi roblox kids pala yan". Kaya parang nawalan siya ng tiwala sa mga tao. Nung nakauwi na ang Psychiatrist ay nag iba nanaman siya. Pag dating ng 3am ng lunes nag pilit nanaman siyang lumabas ng gate, buti nailock ni misis, binantayan namin siya kasama ang pinsan niya. Duon na ako nag desisyon na dalhin na agad sa PGH ngunit ang advise samin ay dumeretso na kami sa NCMH dahil duon may available na Psychiatrist. Duon na diagnose siya ng Psychiatrist ng Depressive disorder with psychotic feature. niresetahan siya ng gamot at pinababalik ng October 2 sa NCMH. Inuwi muna namin siya sa lolo at lola niya para maiba ang paligid. Kasama kami at pinsan niya. Nag tangka nanaman siya tumalon sa 2nd floor duon buti at napigilan ko. Dinala namin siya sa church para ipag dasal. Pagkatapos ay pinipilit niyang buksan ang pinto ng sasakyan habang umaandar. Kaya nag desisyon na kami na dalhin na sa rehabilitation dahil baka pag nalingat kami ay matuloy ang suicide attempt niya. Sa tulong ng mga kamag anak at mga kaibigan ko ay nakapag bayad kami ng unang dalawang buwan. Ngunit sa mga susunod ay baka hindi na namin kayanin dahil sa mahal ng monthly at gamot niya. Minimum lang po ang sahod namin mag asawa kaya humihingi po ako sa inyo ng tulong upang matapos niya po ang 8 months sa rehabilitation, makabili ng gamot at maagapan ang sakit niya ngayon. Maraming salamat po.
No updates yet
The campaign creator hasn't posted any updates.
Comments (0)
Sign in to post comments and show your support.
No comments yet. Be the first to share your thoughts!
No donations yet
Be the first to support this campaign!
Sign in to donate
Please sign in to donate.
Every donation on BayanihanPH is made from an account. It keeps giving traceable and protects campaigns from misuse.
New here? Create an account