Isang Ina, Isang pangarap. Tulungzn ang isang ina para sa kanyang mga anak
Education

Isang Ina, Isang pangarap. Tulungzn ang isang ina para sa kanyang mga anak

Created September 10, 2026

₱0 0% of ₱5,000

Campaign deadline has passed

This campaign has reached its deadline.

Ako ay isang working mother na patuloy na nagsusumikap araw araw para mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking anak. Hindi man madali ang buhay, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para matustusan ang kanyang pag-aaral at mga pangangailangan. Bilang isang ina, masakit isipin na minsan ay hindi sapat ang kinikita ko para sa lahat ng gastusin tuition, school projects, pamasahe, pagkain, at iba pang pang araw araw na pangangailangan. Kahit pagod mula sa trabaho, patuloy akong lumalaban dahil ang pinakamalaking pangarap ko ay makita ang aking anak na makatapos ng pag aaral. Kaya ako ay buong pagpapakumbabang humihingi ng tulong. Anumang halaga, kahit gaano kaliit, ay malaking bagay para sa amin. Ang bawat donation ay makakatulong para maipagpatuloy ng aking anak ang kanyang pag aaral at mabigyan siya ng pagkakataong maabot ang kanyang mga pangarap. Hindi madali para sa akin na humingi ng tulong, pero bilang isang ina, handa akong gawin ang lahat para sa aking anak. Kung hindi man kayo makapag donate, malaking tulong na rin ang pag-share ng campaign na ito. Maraming salamat sa bawat taong tutulong, magbabahagi, at maniniwala sa pangarap ng aking anak.