Help Keiko Survive Pyometra Surgery
Animals & Pets

Help Keiko Survive Pyometra Surgery

Created June 22, 2026

₱43.50 0% of ₱35,000
by Princess Dianne Lazo Ausente

HELP KEIKO: EMERGENCY PYOMETRA SURGERY FUND 🐱

Last May 23, 2026, nagkaroon ng accidental mating ang female cat ko na si Keiko at ang male cat ko na si Chibi.

Pagkalipas ng ilang araw, napansin ko na pabalik-balik si Keiko sa litter box, parang ihi nang ihi o dudumi, pero walang lumalabas. Halatang hirap na siya kaya agad ko siyang dinala sa vet.

Last June 6, 2026, doon namin nalaman na may open pyometra siya base sa CBC at X-ray. Umabot ng ₱3,740 ang initial tests at gamot niya, kasama na ang vitamins, antibiotics, at laxative dahil hirap din siyang dumumi.

Umaasa kami na gagaling siya sa gamot kaya nag-follow up check up kami last June 12, 2026. Nagpa-CBC at X-ray ulit siya at tinaasan ang antibiotics niya, na umabot ng ₱2,250.

Last June 19, 2026, nagpa-ulit ulit pa rin kami ng CBC at X-ray (3rd time) dahil umaasa pa rin kami na hindi na kailangan ng surgery. Umabot yon ng ₱1,780, pero minimal lang ang improvement ng WBC niya.

Kaya last June 22, 2026, pinaundergo siya sa ultrasound, na nagkakahalaga ng ₱2,880. Doon na-confirm na lumalaki na ang matres niya at kailangan na talaga siyang operahan agad.

Ang estimated cost ng pyometra surgery kasama na ang admission at hospitalization ay nasa ₱23,000 to ₱30,000, kaya naging emergency at urgent na talaga ang situation.

Sa ngayon, naubos na ang funds ko sa sunod-sunod na checkups at medications niya. Gusto ko siyang ipagamot agad, pero wala na kaming sapat na budget para sa surgery.

May 4 pa akong ibang cats at 1 dog, at ginagawa ko lahat para mapangalagaan silang lahat, pero hindi ko na talaga kaya mag-isa.

Ayoko sana humingi ng tulong, pero para kay Keiko, susubukan ko.

Kung may maibibigay man kahit maliit na halaga, malaking tulong na ito para mailigtas siya. 🥺

Maraming salamat sa kahit anong tulong at pag-share. 🙏🐾

Para kay Keiko — sana mabigyan pa siya ng chance mabuhay.