TULONG PARA SA TATAY KONG MAY BRAIN BLEED(Emergency Craniotomy Fund)
Campaign Gallery
Magandang araw po. Humihingi po ako ng tulong para sa aking step-father, pero tinuturing ko pong tunay na ama, dahil siya po ay napakabait, mahinahon, at maalaga sa amin simula’t sapul.
Kasalukuyan po siyang nasa ospital dahil sa brain bleed (pagputok ng ugat sa utak). Nagsimula po ito nang bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo, pagsusuka, panghihina, at hirap gumalaw. Pagdating sa ospital, lumabas po sa CT scan na meron siyang intracranial hemorrhage na nangangailangan ng agarang operasyon (craniotomy) para mailigtas ang buhay niya.
Sa ngayon po, lumalaki ang bill araw-araw dahil sa:
CT scan at iba pang tests
Emergency medications
ICU monitoring
Planong surgery
Professional fees
Laboratory & post-operation care
Hindi po namin inaasahan ang ganitong sitwasyon, at sa totoo lang, hindi rin po kami handa sa financial burden ng operasyon. Kaya kahit mahirap, kumakatok po kami sa puso ninyo para humingi ng tulong — maliit man o malaki, napakalaking bagay po nito para mailigtas namin ang buhay ng aking ama.
Support this campaign
Campaign organizer
Recent donations
No donations yet
Be the first to support this campaign!
